Linggo, Nobyembre 12, 2017

Aroma Beach, Bataan

Noong Abril 28 sabi ni Nanay na pupunta kami sa beach at mag ca-camping, kasama ng mga kaibigan niya. Kaya sa gabi ng Abril 28 nag-handa kami ng gamit namin. Ginising kami ni Nanay sa mga 5:oo o 5:30 ng Abril 29. Papunta sa bataan tumigil kami sa isang Gas Station para magkita-kita kami sa mga "kaibigan" ni Nanay. Pero yung di alam namin ni Ziya ay ang "kaibigan" ni Nanay ay si T. Ria isang guro sa aming paaralan at ang kaniyang pamilya. Ang pangalawang anak ni T. Ria ay aking kaklase.

Pagdating namin sa beach may bangka na nag hihintay sa amin. Sumakay kami sa bangka paunta sa isa pang island kung nasaan ang Aroma Beach. Pagdating namin dun diretso kami nag swimming na sa dagat. Natulog ako sa tent kasama si Ziya at Ela. Nang Abril 29 pagkatapos ng almusal sumama ako kay Tatay, Kapatid ni Ela at mga kaibign niya at tatay ni Ela sa Cliff Jumping. Mayroong tatlong level na pataas ng pataas pinakamababa ang level one at pinakamataas ang level three. Tumalon lang ako sa level one ng dalawang beses. Sabi ni Tatay may naguusap sa likuran namin. Ito yung pag-uusap nila: "Tatalon ka ba o takot ka?" "Tatalon ako, nakakahiya eh, tumalon yung bata." Pagkatapos ng hapunan ng mga 2:00 pm bumalik na kami. Pero pumunta muna kami sa kaibigan ni T. Ria na isang Raya Parent para mag merienda. Tsaka kami umuwi sa Manila. Mga 9:00 na kami naka uwi.

                                              Naka-idlip si Lili at Ziya sa bangka pa-uwi.

(SORRY I POSTED THIS LATE, I FORGOT.)

2017 Updates

Sorry I haven't written in along time (if anyone reads this). So it's 2017, YAY! I will start writing in English because it's easier for me. This year, I am now 5-Malaya, Malaya means Freedom. I am still studying at Raya and having so much fun. It's already the third quarter and I'm TEN! I turned ten last Nov. 4.
That's all I have, TOODOLOO KANGAROO!

Lunes, Pebrero 27, 2017

ISANG HARDING PAPEL. . . 2017!!

Ngayong 2017 ng Pebrero 11 ay nag-restage ang aming Hinabing Hiraya: Isang Harding Papel. Kasama ako at si Ziya sa restage, kasi optional ang pagsali. Iniba ang aking role para maging Pasahero sa Jeep subalt maging rallyista. Pero hindi iniba ang Main Cast. Ngayon sa restaging ay mayroon kaming chereographer at co-director. Ang restaging ay ginanap sa AFP theater sa Camp Agunaldo noong Pebrero 11, 2017 (May 2:00pm at 6:00 pm na showing).

Sabado, Oktubre 8, 2016

HINABI 2016!!!!!!!

Malapit na ang Hinabing Haraya 2016!!

Ngaayong taon ang Hinabi ay Isang Harding Papel. Tungkol ito sa Batas Militarni Marcos. Tungkol din ito sa isang batang babae na ang pangalan ay Jenny. Ang kaniyang Nanay ay inaresto dahil ang Nanay ni Jenny ay rallyista. Ngayong taon ako magiging rallyista sa Hinabi.

Ang Hinabing Haraya ay magaganap sa Miriam Theatre ng Oktubre 29, 2016.

Lunes, Abril 25, 2016

MT. MAKILING

Noong Abril 24, 2016 pumunta kami sa Mt. Makiling, Los Banos, Laguna, Philippines. Kasama ko ang aking pamilya at mga kaibigan ni Nanay. Hindi kami pumuntta sa taas ng bundok, ngunit half lang. Pumunta kami sa Mudsprings at sa Flat Rocks. Halos umabot ng 5.2 na kilometro ang inakyat ko. Sa Flat Rocks umakyat si Tatay sa taas ng Bato. At doon may nakita niya ang sign na sinabi "Danger Do not cross". Ang Mudspring ay parang lawa ng Mud na BOILING! Mayroong gate sa Mudspring para hindi lumampas. Pero ilan sa mga lalaki lumampas dahil may kaunting ispasiyo para dumaan. Dumaan sila para mag picture sa Mudspring.
                 
                                                                     Mudsprings
                                                                 
                                                                        Flat Rocks




Martes, Oktubre 6, 2015

HINABING HARAYA NA!!

 Malapit na ang Hinabing Haraya! Ito ang tinatawag namin sa aming scool play. Ngayong taon ang pangalan ng Hinabi ay. . . "ANG HIWAGA". Ngayon ay ang ikasampung taon ng aming iskuwela kaya gusto nila special ngayong taon. Madami kaming ni- eensayo para dito. Ito ay tungkol sa mga ibon. At ngayon dahil gusto special ito a gaganapin ng oktubre 23 sa AFP theatre.
     
           Ang saya saya!!!!!!

Miyerkules, Hunyo 10, 2015

HALINA SA ESKUWELA!

Ngayong ika 10 nang hunyo 2015 ay ang unang  araw ng PASUKAN! Mayroong bago na Estudyante at guro! This year ako ay grade 3-makabayan.(: