Martes, Oktubre 6, 2015

HINABING HARAYA NA!!

 Malapit na ang Hinabing Haraya! Ito ang tinatawag namin sa aming scool play. Ngayong taon ang pangalan ng Hinabi ay. . . "ANG HIWAGA". Ngayon ay ang ikasampung taon ng aming iskuwela kaya gusto nila special ngayong taon. Madami kaming ni- eensayo para dito. Ito ay tungkol sa mga ibon. At ngayon dahil gusto special ito a gaganapin ng oktubre 23 sa AFP theatre.
     
           Ang saya saya!!!!!!

Miyerkules, Hunyo 10, 2015

HALINA SA ESKUWELA!

Ngayong ika 10 nang hunyo 2015 ay ang unang  araw ng PASUKAN! Mayroong bago na Estudyante at guro! This year ako ay grade 3-makabayan.(:

Biyernes, Marso 13, 2015

ANG ATING KALAYAAN

Dapat natin gamitin ang KALAYAAN sa magandang paraan. Gagamitin ko ang KALAYAAN ko sa pamamagitan ng pagtulong sa mga tao. At pag donate ng laroan sa mga bata. At pag bigay ng daily supplies.Sa mga 
mahirap na tao. At gagawin ko ito paglaki ko.

Huwebes, Marso 12, 2015

BATAS MILITAR

Taon-taon sa eskwela namin nagkaka BATAS MILITAR. Madaming BATAS na kailangan na sundin.
Buong eskwela ayaw sa mga batas na iyon. Pero kailangan na sundin ang BATAS!
Pero bago mag EDSA DAY . . .  Ang buong eskwela ay sumama sa isang MALAKING RALLY! Para labanin namin ang gumawa ng BATAS MILITAR. 

Ayaw namin ang BATAS MILITAR dahil parang torture ang mga BATAS.

Biyernes, Pebrero 13, 2015

ANTIPOLO

Ang ANTIPOLO ay bundok sa RIZAL PROVINCE. Ang pangalan nito ay galing sa punong "TIPOLO"madaming ganon sa ANTIPOLO. Alam mo ba na lungsod ang ANTIPOLO.

Huwebes, Pebrero 12, 2015

MAYNILA

426 years old na ang San Agustin Church. Ang baho sa Manila Zoo. Malungkot ang Wild animals dahil maliit ang kanilang hawla. Paborito ko ang MMDA safety park. Halos umiyak ako sa Diorama ng Rizal Park. Nag picnic lunch kami sa Fort Santiago. Ang laki
ng Lapu-Lapu Monument.


Linggo, Pebrero 1, 2015

GK ENCHANTED FARM

Noong ika Enero 29, 2015 pumunta kami sa GK ENCHANTED FARM. Grade 1-2 gumawa ng peanut
butter, peanut butter ice cream. At merong plush and play na ang pangalan galing sa artista Anne curtis- Anne kamatis, Coco martin-Buko martin, Jesica sanchez- Jesica saging, Vice ganda-Mais ganda. At nag tour kami sa farm.

Biyernes, Enero 23, 2015

ANG ATING MUNDO

Ang ating MUNDO ay ang unang planeta na may tao,hayop,halaman. Merong masmadami sa
7,000,000,000 na mga tao sa buong Mundo. At ang mga bansa ay masmadami sa 100. Iba sa alam ko ay FILIPINAS,U.S.A.,U.K.,JAPAN,TSINA. At merong OXYGEN pero ang ibang mga planeta wala.




Miyerkules, Enero 14, 2015

BAKASYON SA TSINA

Pumunta kami sa 3 lungsod sa Tsina - Beijing (北京) Harbin (哈日賓) & Tianjin (天津). Napaka lamig dahil winter.

Sa Beijing, pumunta kami sa GREAT WALL OF CHINA & TEMPLE OF HEAVEN. 




Sa Harbin pumunta kami sa isang resturant na tawag ay Dicos. Meron silang hopia na hugis isda. Ito ang lalagyan ng hopia:

Pumunta rin kami sa ice festival sa Harbin. Iba ibang ice sculpture ang naroon. At meron ding snow sculpture na napakalaki tulad ng Ark of Happiness na puno ng Disney characters. 



Sumakay kami ng bullet train papuntang Tianjin mula sa Beijing. May sakit ako nung araw na iyon, at sumuka ako ng madami. Apat na beses ako nakatulog.

HELLO EVERYBODY!!

Ako ay si Mayim. Ang ibig sabihin ng pangalan ko ay tubig sa wikang hebrew. Meron akong isang kapatid na mas bata sa akin. Siya ay 7 taong gulang pa lang. Kami ay half Chinese. Ang pangalan ko sa Chinese ay 施晶瀅 Shi Jing Ying.

Mahilig ako sa pagkaing may chocolate at bacon at gummy bears!!